Bingo Novo Ecijano, umarangkada sa Cabanatuan

Libu-libong residente mula sa apat na barangay ang napasaya ng Bingo Novo Ecijano sa Lungsod ng Cabanatuan bilang bahagi ng promotional caravan ng TV48.

Sayawan, kantahan at pag rap ang ipinakita ng mga talent ng Tv48 sa mga nakiisa sa palaro.

Umaapaw sa papremyong giift packs, saku-sakong bigas at cash prizes ang naipamigay sa mga Cabanatueno.

Nagbigay ng mga natatanging bilang ang grupo mula sa Brgy Bernardo ang Caeserian Boys at ang Senior Citizen ng Brgy. Pamaldan.

Aliw na aliw ang mga Cabanatueno lalo na nang dumating at nakisaya ang kanilang iniidolo na sina Doc Anthony Umali, dating Board Member ng ikatlong distrito at Philip “Dobol P” Piccio, ang Boses ng Katotohanan, baon ang masayang balita.

Solo winner para sa Balckout Grand Prize na isang kabang bigas, tatlong pack ng groceries at cash prize na dalawang libong piso sina Veronico De Asis ng Brgy. Bernardo, at Florentino Macalinao Jr ng Brgy. Samon.

Samantala, pinaghati-hatian naman nina Jennifer Abapo, Julie Ann Peralta, Christian Perez ng Brgy. Pamaldan at Annaliza Ramirez, Annalyn Cruz ng Brgy. Sanbermicristi ang Grand Prize ng Blackout.- Ulat ni Shane Tolentino