Paghahanda sa Undas

Undas

 

  1. Isa o dalawang linggo bago ang okasyon, linisin na ang puntod.
    2. Ngayon pa lang bumili na o ihanda na ang mga kandilang gagamitin.
    3. Makakatipid kung maramihan o malaking kandila ang gagamitin para tumagal ito.
    4. Ikonsidera ang plastic o artificial flowers sa paglalagay sa puntod ng mga yumaong mahal sa buhay. Hindi kaila na saglit ka lang tumalikod pag harap mo wala na ang sariwang bulaklak na binili mo.
    5. Kung bibili ng bulaklak para sa patay, at kung wala naman masyadong budget, mabuti nang ilang piraso na lamang nito ang bilihin.
    6. Mabuti ring huwag nang sumabay sa mismong okasyon sa pagdalaw sa mga patay. Dalawa o tatlong araw bago ang Araw ng mga Patay, pumunta na sa puntod.
    7. Iwasan ang magsuot ng mga alahas sa ganitong lakaran.
    8. Iwasan din ang magdala ng maraming bata, para hindi sila mawala, o masaktan.