GANDANG NOVO ECIJANA: Sharla Santillan

Huling namataan nang ihirang bilang muse ng Wesleyan University-Philippines Riders at nagtagumpay bilang1st runner up sa katatapos lamang na NECSL Season 3, hilig talaga ni Sharla Santillan ang paglahok sa pageant at pagmomodelo. Kasalukuyang second year college student si Sharla at kumukuha ng kursong Secondary Education. Sa murang edad ni Sharla, hinirang na siya bilang Bb. Camp Tinio 2013 at Ms. Wesleyan 2014 2nd runner-up.