Number 1 most wanted ng San Leonardo, kulong

Matapos ang dalawang buwan, nahulog na sa kamay ng mga otoridad ang tinaguriang No. 1 most wanted person sa bayan ng San Leonardo.

Ito’y sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Mildred Hernal ng Regional Trial Court Branch 35 sa lungsod ng Gapan.

Sa panayam ng Balitang Unang Sigaw kay SP01 Rommel Bautista, chief of investigation ng San Leonardo Police Station, sinabi nito na naaresto ang suspek na si Fernando Hantic, kwarenta’y tres anyos, residente ng barangay Diversion sa nasabing bayan, matapos makatanggap ng impormasyon mula sa kanilang asset.

Si Hantic ay nahaharap sa kasong seven counts of rape makaraang gahasain umano nito ng pitong beses ang onse anyos na biktima.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek sa istasyon ng pulisya ng nasabing bayan. – ulat ni Clariza de Guzman.