Tupak ng Pinas (J-King), pasok sa Word War 2 Central Luzon Division ng Flip Top

Pasok sa Word War 2 ang pambato ng Nueva Ecija at ating kaibigan sa TV48 na si Tupak ng Pinas o kilala ngayon bilang J-King.

Hindi na kakaiba ang fliptop dito sa Nueva Ecija kung saan halos buwan-buwan ay nagkakaroon ng iba’t ibang gig ang mga rapper na Novo Ecijano kasama ang iba’t ibang singer at kapwa rapper na kilala na sa Pilipinas.

At ngayon nga may pagkakataon na si J-King na mapasama sa mga liga ng mga flip top artist. Isang laban na lamang ang natitira bago siya maging representante ng Central Luzon Division.

Naipanalo ni J-King ang laban kay Pilosopo na tubong Pampanga. Ginanap ito sa Kims Bar sa  Olongapo noong nakaraang buwan. At ngayon nga ay sasabak muli sa isang laban si J-King  na gaganapin sa Super Club Khaliblu, Cabanatuan City. – Ulat ni Amber Salazar