Kandidato mula sa CRT-Gapan, itinanghal na Mr and Ms CRT 2014

Dalwampu’t apat na kandidato at kandidata ang nagpatalbugan ng kanilang mga kasuotan noong Sabado ika-11 ng Oktubre sa Gapan City Gymnasium. Ngunit sa bandang huli, napagtagumpayan ito ng Mister HRM at Miss IT student na mula sa CRT-GAPAN CITY BRANCH ang titulo bilang Mr. and Ms. CRT 2014.

Sa ikapitong taon ng nasabing patimpalak, kauna-unahang pagkakataon ito na ginanap sa labas ng Cabanatuan.

At sa 12 pares na kandidato at kandidata, itinanghal bilang Ms. CRT si Eunice Bauto , IT Student at Mr. CRT naman si Varlie Leano, HRM Student, kapwa parehong nag-aaral sa CRT-Gapan City Branch.

Hindi rin naman nagpahuli ang mga naggagandahan at naggagwapuhang mga kalahok sa pagrampa ng kanilang mga kasuotan.

Anim na hurado ang pumili ng mga kandidatong mapapabilang sa Top 10 at may tsansang makakuha ng posisyon sa patimpalak.

Nasungkit nina Rodel Lopez at Anna Katrina Supe ang 4th runner-up, 3rd runner up Fairlin Carbonel at Edmar Yacat, 2nd Runner-up Mary Jane Bulanadi at Darwin Arcillas, at 1st Runner Up sina Marco Polo Echalas at Lea Manalang.

Ang Mr. and Ms. CRT 2014 ay bahagi ng kanilang Silver Anniversary na may temang “Celebrating 25 years of beauty, talent and intelligence of CRTians.”- Ulat ni Shane Tolentino