Run for Fun Jaen, umarangkada kahit umuulan

Determinado ang bawat kalahok ng Run for Fun na idinaos sa Jaen, Nueva Ecija. Ang Fun Run na ito ay suportado ng  ina ng lalawigan Congresswoman Cherry Umali kung saan ito ay alay sa mga Persons with Disabilities o PWDs.

Naging todo rin ang suporta ni Jaen Mayor Santi Austria na nakilahok sa fun run na ito.

Ang saori naman ay isang livelihood project para sa mga Persons With Disabilities kung saan maaari silang kumita.

Maulan man ay hindi nito napigil ang pagtakbo ng bawat kalahok  lalake man, babae o kahit bata pa para sa 3k,5k at 10 k run.

Para sa 3k Male, naipanalo ito ni Mark Grey Martin. Para sa Female 3k naman ay si Janelie Reine.

Para sa 5k, naipanao ito ni Edwin Castro para sa Male Category at Karen Romantic para sa Female Category. At sa huli, naipanalo naman ni Kennichie Lorbes ang kampeonato para sa 10k run. –Ulat ni Amber Salazar