Presyo ng bulaklak, sisirit sa susunod na linggo

Inaasahang mas tataas pa sa mga susunod na linggo ang presyo ng mga bulaklak sa mga flower shops sa kadahilanang papalapit na ang Araw ng Undas.

Ito ay inanunsyo kamakailan ng mga tindero ng mga bulaklak sa Dangwa District Manila.

At kahit bahagyang tumaas sa ngayon ang presyo ng mga bulaklak ay madami pa din ang bumibili at nagpapareserve na ang mga ito para sa darating na Undas.

Dito sa lalawigan ng Nueva Ecija ay dinarayo ng mga mamimili ang Bloom’s Flowers Center sa Valino St. Brgy. Aduas Centro, Cabanatuan City kung saan sari-saring bulaklak ang iyong makikita at pwedeng pagpilian.

Ayon kay Christopher Viray may-ari ng Bloom’s Flowers Center na normal ang pagtaas ng presyo ng mga bulaklak lalo na tuwing may mga okasyon, subalit sa kabila nito ay madami pa din ang bumibili at nagpapareserve para sa darating na Undas.

NgayongLinggo pa lamang ay may bahagyang pagtaas na ng ilang presyo ng mga bulaklak.

Ang White Rose  mula sa 200 pesos  ay naging 300 pesos na ang 2 dalawang dosena , ang  White  Orchids at  Violet   Orchids  mula sa 330 pesos ay naging 350 pesos kada  isang bundle, Malaysian Mums na Assorted kung dati ay nasa  70 pesos ang isang dosena ngayon ay nasa 90 pesos na.

Ang Chrysanthemums mula sa dati nitong presyong 90 pesos ay ngayon ay nasa 120 pesos na kada isang dosena.

Ang Pom-Poms ay nananatiling nasa 100 pesos kada isang dosena at ang Anthurium ay 180 pesos kada isang dosena.

Ang mga dahon tulad ng Anahaw,D-tail,F tail ay nasa 12 pesos at ang pako ay nasa 8 pesos at ang white Corn ay nasa 30 pesos.

Tumatanggap din ang Bloom’s Flowers Center ng flower arrangement kung saan ang presyo ay nakadepende sa dami ng bulaklak na ilalagay at sa kung anong uring bulaklak.

Inaasahang dadagsain ng mga Pinoy ang mga sementeryo pagsapit ng November 1 at 2 para dalawin ang puntod ng kanilang namayapang mahal sa buhay.

Para sa inyong karagdagang katanungan maaaring tumawag sa Bloom’s Flowers Center sa numerong 0927-950-9202 o 0906-666-6646 at 329-2953.-Ulat ni Joyce Fuentes