Embalsamador, nagisnang bangkay na sa punerarya

Sta Rosa- Nagisnan na lamang na isa ng malamig na bangkay sa kanyang higaan ang isang lalaki at tumatagas ang dugo sa kanyang ulo sa barangay Isla sa bayan ng Sta. Rosa.

Base sa ulat ng Sta. Rosa PNP, alas sais bente ng umaga nakita na lamang ni Mary Jane Rosales ang biktimang si Ferdinand Marcos alyas Kokoy, bente dos anyos, may asawa, na nakahiga sa kanilang kama na may sugat sa ulo at may nakaipit na bond paper sa binti na may nakasulat na “ADIK WAG PAMARISAN”.

Pinaniniwalaan na ang biktima ay labindalawang oras ng patay nang madiskubre ang bangkay nito.

Gapan City- Arestado ang isang trenta’y tres anyos na manager ng isang punerarya matapos na iturong mastermind sa pagpatay sa isang kwarenta’y dos anyos na embalsamador.

Ayon kay Gapan City Chief of Police Nelson Aganon, bago bawian ng buhay ang biktimang si Marty dela Cruz ay nagawa nitong ituro ang suspek na si Cherrylyn Lazaro, branch manager ng St. Peter Chapel Funeral Homes sa barangay Balite, San Miguel, Bulacan na siyang utak at may motibo sa pamamaril sa kanya.

Matagal na umanong may galit si Lazaro kay dela Cruz na lalong tumindi dahil isinumbong ng biktima ang suspek na mayroong kalaguyo.

 

Sinampahan na ng kasong murder si Lazaro na kasalukuyang nasa kustodiya ng Gapan City PNP at ang gun man na bumaril kay dela Cruz na nakatakas makaraang maisagawa ang krimen.

 

Samantala, Nananawagan ang mga magulang ni Mary Jane Liwag Asuncion sa sinumang nakakaalam o may impormasyon sa kanyang kinaroroonan ay mangyaring ipagbigay-alam po sa cellphone number 0936-602-2384.

 

Dalawang buwan na pong nawawala si Mary Jane simula noong September 10, 2014 ng umalis siya ng kanilang tahanan. –Ulat ni Clariza De Guzman