Canadian teacher, pinakakansel ang lisensya ng Ebola vaccine

Sa patuloy na pagkalat ng Ebola, ilang mga bahagi ng West Africa ang isa sa pinakamalaking pag-asa na tinitignan ng mga tao at ng CDC ay ang pagkakaroon ng epektibong vaccine upang masugpo na ang pagkalat nito gayunpaman umapela si  Amir Attaran, isang professor of law and population health sa University of Ottawa.

Mahalaga umanong may kredibilidad at may malaking produksyon ang isang kumpanya upang hindi ma-delay pa ang pa gawa ng vaccine lalo pa at sa bawat minutong lumilipas ay lalong dumarami ang mga biktima ng ebola .

Dahil umano maliit na kumpanya lamang ang Newlink , nagiging dahilan ito upang mas tumagal ang produksyon ng mga posibleng vaccine.

Sa ngayon ang pagsasalin  ng dugo ng mga survivor ng Ebola ang nakikitang paraan upang maisalba ang ilan sa tindi ng Ebola.

Naniniwala ang mga eksperto na nagkakaroon ng antibodies ang mga survivor nito kung saan hindi na sila muli pang dadapuan ng Ebola.

Samantala pinababago ng Center For Disease Control and Prevention ang guidelines para sa mga doctor at healthworkers na gumagamot sa mga taong may Ebola.

Ito ay matapos mahawa ang nurse na gumagamot sa isang pasyenteng may ebola sa Dallas, Texas.

Papalitan na umano ang mga sapatos ng mga water proof na sapatos upang hindi ito mapasok ng Ebola virus.

Binabalak na rin ng CDC na ilipat sa mga specially trained hospitals ang mga Ebola patients upang hindi ito namamalagi sa mga make shift areas kung saan hindi kumpleto ang mga kagamitan upang masigurado na nandoon ang lahat ng kanilang mga pangangailangan.

Isang magandang balita naman ang inihatid ng World Health Organization ng ideklara nitong EBOLA FREE NA ang Nigeria, ito ay matapos ang 42 days na dobleng incubation period pagkatapos ng huling kaso ng  Ebola sa Nigeria.

Naka-focus ngayon ang World Health Organization sa Guinea, Liberia at Sierra Leone kung saan mayroon pa ring pagkalat ng Ebola.

Gayunpaman hindi pa rin maaaring magrelax ang mga mamamayan ng Nigeria dahil hindi pa rin ligtas ang Nigeria sa panibagong kaso ng ebola.- Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio