Breast Cancer, nangungunang uri ng cancer sa mga kababaihan

Ang breast cancer ang nangungunang uri ng cancer sa mga kababaihan.

Pero ano nga ba ang breast cancer at mga sintomas nito?

Sa mga kababaihan ang breast cancer ang nangungunang uri ng cancer na halos umaabot sa 11.7 ang na diagnosed noong taong 2012 ayon sa World health organization.

Sa taong 2011 ayon sa world health organization 508,000 kababaihan ang natalo sa laban  ng breast cancer. 21 porsyento ng kamatayan dahil sa breast cancer ay dahil sa pag inom ng alak, obesity at physical inactivity.

Napag alaman din na ang hindi pagkain ng tama at hindi pag be-breast feed ng ina ay maaaring maging factor upang magkaroon ng breast cancer. Gayunpaman hindi imposible ang prevention laban sa breast cancer.

Ang pagkain ng masustansyang pagkain

Pag eehersisyo

At pag inom ng sapat na dami lamang ng alak ay malaki ang maitutulong upang bumaba ang tsansa na magkaroon ng Breast Cancer.

Gayunpaman dahil maaaaring hereditary o namamana din ang cancer, ang pinaka magandang solusyon ay regular na pagpapa check-up lalo na at ang mga early stages ng cancer ay kadalasang walang lumalabas na sintomas.

Ang mammography ang isa sa pinaka epektibong paraan upang masuri ang dibdib kung ito ay may bukol gayunpaman ay maaari rin ang self-breast examination na ginagawa pagkatapos ng buwanang dalaw. Kadalasan mang mga kababaihan ang tinatamaan ng breast cancer, novo ecijano, kahit mga kalalakihan din ay maaaring magkaroon nito. Sa 1.5 milyong katao sinasabihan na sya ay may breast cancer, maaaring masagip ang marami dito sa tulong ng early detection. Novo ecijano at novo ecijana, ang cancer ay isang salot na kinakailangang puksain. Ang pagkakaroon ng maayos na life style malayo sa mga masasamang bisyo  ay malaki ang maitutulong sa pagpapababa ng risk ng breast cancer at para sa ating mga kababayang dumadaan sa ilim ng dahil sa cancer, ang mga support groups ang isa sa may pinaka malaking tulong upang maunawaan ang hirap at sakit na dulot ng cancer hindi lamang physical kundi pati na rin sa emosyonal at ispiritual.

 

 

Ang ICANSERVE group ang isa sa mga support group para sa mga dumadaan sa bagsik ng breast cancer.

Wag mawawalan ng pag asa.at pananalig sa Poong Maykapal

Ito po ang balitang unang sigaw

Cancer