Human Papilloma Virus, maaaring maging sanhi ng ovarian cancer

Ang human papilloma virus o HPV  ang isa sa pinaka karaniwnag uri ng sexually transmitted disease at isa sa pinaka delikado. Ayon sa CDC, pangkaraniwan na ang HPV at halos lahat ng sexually active na babae at lalake ay nagkakaroon nito. Kadalasan ang human papilloma virus ay nawawala din  at walang idinadulot na damage sa katawan, gayunpaman sa ibang mga kaso ay  malala ang sakit na maaari mong makuha. Maaari kang magkaroon ng genital warts at  higit sa lahat ay CANCER. Hindi lamang cancer sa reproductive system kundi cancer din sa lalamunan, dila at tonsils ang maaari mong makuha sa human papilloma virus. Hindi agad ma-de-determine kung sino ang mga taong madedevelop sa cancer ang human papilloma virus at kung sino ang mga taong hindi maaapektuhan nito.

Ngunit ayon sa Center for Disease Control and Prevention ang mga taong may malakas na immune system ang may mas mataas na tsansa na malabanan ang HPV kesa sa mga taong  may mahinang immune system.

Dahil sa delikado ang human papilloma virus ang pinaka magandang paraan upang maging ligtas sa dala nitong  karamdaman ay magpa vaccine.

Sa edad naman na 21 hanggang 65 taong gulang maaari ka nang mag pa screening para sa cervical cancer. Sa edad na labing isa o kaya naman ay labing dalawa maaari nang magpa vaccine ang mga kabataang babae at lalake. Kung sa tingin mo naman ay mayroon ka nang human papilloma virus, maaari ding magpa screening upang malaman kung ikaw ay may virus na ito sa iyong reproductive system o di kaya naman ay sa iyong lalamunan. Sa America pa lamang ay umaabot na sa 14 million ang nagkakaroon ng HPV taon taon kaya naman hindi ito dapat balewalain. Ang panganib na dala ng human papilloma virus ay tunay na delikado at nakamamatay. Wag mahiyang magpa konsulta lalo pa at ang iyong kalusugan ang nakataya.

Laging tatandaan na prevention is better than cure.

Pakatutukan ang mga susunod na balita, hatid ng balitang unang sigaw.

Killer virus