Aquaphobia, isa sa pinaka-karaniwang uri ng phobia sa mundo

Ang  aqua phobia ang isa sa pinaka karaniwang uri ng phobia na nararanasna ng marami  at ito ang ilang mga bagay na nararanasan ng mga aquaphobic.

Ang aqua phobia ay dating tinatawag na hydrophobia mula sa greek word na hudor o water at phobos o takot, gayunpaman ang salitang hydrophobia ay ang terminong ginagamit ng mga taong nasa huling stages nang rabies kaya naman ang phobia sa tubig ay mas kilala na ngayon bilang aquaphobic at ang hydrophobia naman ay para sa mga taong na rabies at hindi na maaaring uminom ng tubig dahil sa spasm na nararanasan nito.

 

Hindi na kakaiba ang  maka tagpo ng mga taong takot mag swimming kahit sa dagat kahit sa swimming pool. Kahit marunong o hindi lumangoy at para sa mga sobrang malakas ang aquaphobia kahit ang tubig sa bath tub ay dahilan rin upang makaramdam ng tila nalulunod o sobrang takot ang isang taong aqua phobic.

Pinaka karaniwang mental illness ito sa mga babae, at pangalawa sa mga karaniwang mental illness para sa mga kalalakihan.

Delikado ang aqua phobi lalo na at bibiglain ang mga taong meron nito upang mapanagumpayan ang takot dito.

Karaniwang nakaranas ng masamang karanasan ang isang taong nakararanas ng phobia at ang biglang dito ay maaaring lalong magpa lala ng phobia nito.

Ang mga taong walang kaalaman sa pag langoy, mga taong minsan nang nalunod at may hindi magandang karanasan na may kinalaman sa tubig, gayunpaman hindi imposible ang matanggal ang ganitong uri ng phobia  sa tulong ng mga psychologist. Mahalaga na matanggal ang mga takot na ito lalo na at maaari itong maka apekto sa pang araw araw na buhay.