Tricycle Driver, Pinagbabaril, Patay

Isang tricycle ang pinagbabaril habang namamasada sa Cabanatuan City.

Base sa imbestigasyon, habang minamaneho ng biktimang si Reynaldo Pablo Jr., kwarenta’y dos anyos, tricycle driver, at residente ng Univille Subdivision barangay Bangad Cabanatuan City ang kanyang tricycle sa Purok tres barangay Bantug Norte, Cabanatuan City,  nang barilin ng paulit-ulit ng hindi nakilalang suspek gamit ang hindi natukoy na kalibre ng baril.

Nagtamo ng mga tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kaagad na isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.- ulat ni Clariza de Guzman