Bayanihan Sports Complex sa Fort Magsaysay, muling binuksan

Binuksan na sa publiko ang Bayanihan Sports Complex sa loob ng kampo sa Fort Magsaysay, Palayan City para umano sa Spirit of Sportsmanship ng mga hukbong sundalo.

Ayon kay AFP Major General Glorioso V. Miranda, napakahalaga ng sports para sa isang indibidwal lalong higit sa mga sundalo upang mas madevelope ng mga ito ang self-discipline at team work na maaari nilang makuha dito.

Aminado naman si Miranda, na maging siya ay aktibo rin sa iba’t ibang sports game tulad ng long tennis at biking. Dahil aniya, bilang isang sundalo ay kinakailangan na physically fit ka.

Nilinaw naman ni Miranda na bukas na mga sibilyan nag nasabing Sports Complex na siya umanong pangunahing prayoridad nila dito.

Samantala kasabay nito, ang pagdiriwang ng ika-53 kaarawan ng Heneral na naging masaya lalo pa ng nagbigay na ng kanilang pagbati ang ilang AFP Officials.

Nagkaroon rin ng boodle fight na pinagsalu-saluhan ng ilang sunadalo na sinaluhan pa ng Birthday Boy na lalong nagpasaya sa naturang okasyon. – Ulat ni Mary Joy Perez