Abangan sa TV48 at DobolP.com

Ang mga dapat abangan nitong linggo sa TV48 at DobolP.com:

Patuloy ang kontrobersya o mayoralty controversy sa Aliaga, Nueva Ecija kasunod ng pagdedeklara ng bagong mayor dito nito lamang Setyembre. Sa pagbunsod ng Undas, namataan na ang pagtataas ng presyo ng mga bulaklak na tradisyunal na inaalay sa mga minamahal na pumanaw ng pamilyang Pilipino.

Mainit pa rin ang mga usapin tungkol sa nagbabadyang 600% hanggang 800% dagdag-singil sa amilyar o real property tax (RPT) alinsunod sa pag-apruba ng Cabanatuan sa pangunguna ng mayor nito na si Jay Vergara.

Samantala, magkita-kita tayo sa Bingo promotional caravan ng TV48 nitong Huwebes.