PDC, PPOC, PDRRMC, isinagawa ang unang Joint General Assembly Meeting

Nagpulong kamakailan ang tatlong iba’t ibang konseho ito ay ang PDC o Provincial Development Council, PPOC o Provincial Peace and Order Council, PDRRMC o Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa pangunguna ng ama ng lalawigan Governor Aurelio “Oyie” Umali para sa kanilang kauna-unahang Joint General Assembly Meeting na ginanap sa Sierra Madre Suites, Palayan City.

Upang ilahad, talakayin at aprubahan ang 2015 Provincial Peace and Order Plan, 2015 PDRRM Plan at 20% Development Plan ang naging pakay ng pagtitipon.

Ang propose budget plan ay nagkakahalaga ng Php.  101, 043, 027.93 para 2015 PDRRM  Plan, Php. 256, 742, 651.14 para sa 2015 Provincial Peace and Order Plan at Php. 381,320,735.40 para sa 20% Development Plan na inaprubahan ng Provincial Government ng araw na iyon.

Samantala, kasabay nito na inanunsyo din ni Governor Umali na simula sa first quarter ng susunod na taon ay ipapatupad na ang matagal ng ordinansa na ang pagbabawal ng pagbibilad ng palay sa mga kalsada tulad ng National, Provincial at kahit na sa mga Barangay Roads.

Ang kagandahan nito ay hindi madurog ang mga palay kung saan mas mabibili ito at upang mabawasan ang pagkakaroon ng traffic at pagkakaroon ng aksidente na sanhi ng  pagbibilad ng palay.

Dumating din at nakiisa sa nasabing pagpupulong si Congresswoman Czarina “Cherry” Umali.   – Ulat ni Joyce Fuentes