Palarong Kapitolyo 2014, pormal nang binuksan

Sinimulan kahapon ng umaga ang Palarong Kapitolyo 2014 na taunang isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija na pinangunahan ng Provincial Sports and Youth Development Office.

Layunin ng nasabing palaro na paigtingin ang pagkakaibigan at pagkakaisa ng mga kawani mula sa iba’t ibang departamento ng kapitolyo.

Bago ang laban sa larangan ng isports, una ng nagpaligsahan ang mga muse ng bawat team mula sa mga opisina ng provincial government sa ginanap na “Mutya ng Palaro 2014”.

Lumahok ang mga kinatawan ng PMTC o Provincial Manpower Training Center, TV48, PTO o Provincial Treasurer’s Office, PHO o Provincial Health Office, PSWDO o Provincial Social Welfare and Development Office, Sangguniang Panlalawigan, at Governor’s Office.

Nagpagandahan at nagpagalingan sa pagrampa ang mga kandidata.

Itinanghal na Mutya ng Palaro 2014 si Alena Dianne de Guzman ng Sangguniang Panlalawigan, first runner-up si Jenny Berredo ng PTO, second runner-up si Belinda Javier ng PSWDO, at third runner-up naman si Joana Marie Manansala ng PHO.- Ulat ni Clariza De Guzman