CD IV Athletic Meet 2014, masiglang idinaos

Masiglang binuksan kamakailan ang pormal na pagsisimula ng Congressional District IV Athletic Meet ng Kagawaran ng Edukasyon na ginanap sa San Leonardo Central School, Nueva Ecija.

Naglaban-laban ang mga kinatawan ng Elementary at Secondary Athletes Students ng San Isidro, Jaen 1, Jaen 2, San Antonio, San Leonardo, Peñaranda at General Tinio.

Dumalo din sa pagdiriwang si Provincial Assessor Florante Fajardo bilang kinatawan ng ama ng lalawigan Governor Aurelio “Oyie” Umali.

Ayon kay Severino Jocson, Jr. ang Athletic Meet na ito ay isang paghahanda para sa mga mag-aaral na atleta kung saan ang mananalo sa bawat laro ay ipanglalaban sa division hanggang umabot sa palarong pambansa.

Pinangunahan ni Jocson at Cecilio Tulaban punong- guro ng San Anton National High School ang pagtataas ng Congressional District IV Banner at itinaas din ang bandilla ng mga delegasyon.

Sinundan ito ng pagsisindi ng sulo ng palaro ni Warren Palon Secondary Student.

Pagpapakawala ng lobo ng pagkakaibigan at pagkamaginoo.

Panunumpa ng mga baguhang mga manlalaro at ng mga opisyales ng Palaro 2014.

At sa huli ay nagbitaw ng isang mensahe si Jocson para sa lahat lalo na para sa mga guro.- Ulat ni Joyce Fuentes