Alay Lakad 2014, may pinakamaraming partisipante ngayong taon

May pinakamaraming partisipante ang alay lakad 2014 ngayong taon na dinaluhan ng mga iba’t ibang sangay ng Provincial Government, Local Government at pati na rin ng iba’t ibang  mga paaralan .

Sa lokal na pamahalaan pa lamang ng Palayan ay umabot na sa humigit 2,600 ang nakiisa sa alay lakad sa taong ito.

Sa libo-libong nakilahok, pinangunahan ito ng ama ng lalawigan Governor Aurelio Matias Umali. Ang pagkakaisang ito ay hindi lamang nagpapakita ng katatagan ng lalawigan kundi ang pagkakaisa rin ng bawat isa tungo sa iisang layunin ng Alay Lakad na ito.

Sa pagtatapos ng paglalakad ay hindi pa rin dito natapos ang saya ng magperform din ang iba’t ibang kabataan na natutulungan ng Alay Lakad upang matapos ang kanilang pag-aaral.

Hindi rin nagpahuli si Mayora Rianne Cuevas upang maging mas masaya at masigla ang nangyaring programa para sa lahat ng partisipante.

Ang pondo ng Probinsya na humigit kumulang nasa isang milyong piso ay mapupunta sa mga kabataan, upang sa tulong na suporta ay mas maging maganda ang kinabukasan ng kabataang pag-asa ng bayan.- Ulat ni Amber Salazar