National Conference on Rice and other Value Crops, dinaluhan ng kinatawan ng iba’t ibang probinsya

Nagsama-sama kamakailan ang mga kinatawan ng iba’t ibang probinsya at ilang mga ahensya ng gobyerno upang dumalo sa tatlong araw na  National Conference on Rice and Other High  Value Crops upang magpalitan ng mga idea at lubos na matuto sa mga tatalakaying paksa na   dinaluhan din  ni Mayor Blueboy Abesamis ng Peñaranda bilang kinatawan ng ama ng lalawigan Governor Aurelio “Oyie” Umali na  ginanap sa NEUST Sumacab Campus, Cabanatuan City.

Ang naturang konprehensya ay may temang ”Using Science and Technology toward ASEAN Integration 2015” na inorganisa ng NEUST o Nueva Ecija University of Science and Technology at sa pakikipagtulungan ng PhilRice o Philippine Rice Research Institute, Department of Agriculture, Commission on Higher Education at Department Of Interior and Local Government.

Ayon kay Eufemio  Rasco Executive Director ng PhilRice ang layunin ng konprehensya na ito ay upang maging handa sa darating na ASEAN o Assocoiation of Southeast Asian Nations Integration 2015.

Isa din sa layunin ng pagtitipon ay upang suportahan ang ang kanilang Rural Transformation movement na inilunsad ngayong taon na naglalayon na pataasin ang kita ng mga rice base farmers.

Sa ngayon ang lebel ng kinikita ng mga manggagawang bukid ay mababa at naglalaro sa 50 thousand pesos per family kada taon sa isang ektarya.

Kaya naman dagdag ni Rasco na nais nilang tulungan ang mga manggagawang bukid upang pataasin o madagdagan ang kanilang kinikita.

At ayon din sa pagsasaliksik at survey ng PhilRice ay mas mataas pa dito ang maaaring kitain ng mga manggagawang bukid na pwedeng umabot sa tumataginting na isang milyon.

Kaya naman ang kanilang kampanya ay maka isang milyon kada ektarya bawat taon ang mga magagawang bukid at ang kanilang tag line ay “GUSTO NAMIN MILYONARYO KAYO”.

Mensahe naman ang pahayag ni Atty. Hilario Ortiz Presidente ng  NEUST sa lahat ng dumalo sa National Conference.

Kauna-unahang beses ito na isinagawa ang National Conference dito sa Nueva Ecija at na una na itong ginanap sa Clark, Pampanga. –Ulat ni Joyce Fuentes