Brgy. captains ng Nampicuan, natuwa dahil sinagot ni Gov. Oyie ang kanilang mga hiling

Tuwa at galak ang nadama ng ilang  Brgy. Captains ng bayan ng Nampicuan dahil sa pagtugon ni Gov. Aurelio “Oyie” Umali sa kanilang mga hiling na proyekto para sa kanilang mga nasasakupan partikular ang pagkakaroon ng brgy. Hall.

Ayon kay Gov. Oyie, hindi niya ipagkakait ang mga proyektong hiling ng mga brgy. captain lalo na’t alam niyang para ito sa mga Novo Ecijano.

Samantala, kasabay nito nagbigay rin ng sumpaan ang mga kapitanpara sa pagsuporta kay 3rd District Congw. Cherry Umali na una nang nagsabing tatakbo sa 2016 election.

Pinangunahan nina Gov. Oyio at Congw. Cherry ang nasabing panunumpa na tumagal lamang ng ilang minuto.- Ulat ni Mary Joy Perez