Holy Face of Jesus, permanente ng Ilalagak sa Nampicuan

Permanente ng ilalagak sa simbahan ng Immaculate Concepcion sa bayan ng Nampicuan ang Banal na Mukha ni Hesus.

Ito ang magandang balita ni Father Christian Magtalas sa mga mananampalataya ni Jesus Christ, matapos mapabigyan ang kanilang kahilingan na sa nasabing simbahan na manahan ang replica ng Holy Face Face of Jesus.

Ang Banal na Mukha ni Hesus na nakamarka sa isang tela na kasing laki ng panyo ay pinaniniwalaan ng mga Katoliko na nakapatong sa mukha ni Hesuskristo ng siya ay mabuhay na muli makaraan ang tatlong araw na pagkamatay sa krus.

Base sa mahabang taon na pag-aaral ng mga eksperto, napatunayan na authentic o totoo ang nasabing panyo. Noong pinaglapat ang Shroud of Tourin at Holy Face of Jesus ay magkatugma ang pagkaka-imprenta ng mukha ni Hesus, ikalawa ay imposible umanong masulatan ng kahit na anong tinta ang tela, at ikatlong patunay ay perpektong nakamarka ang mukha ni Jesus sa harap at likod ng panyo.

Paliwanag ni Father Magtalas, napili ang Nampicuan na maging luklukan ng Holy Face of Jesus sa tulong ng pamilya Alzate at dahil sa pagigiging payak at simple ng nasabing bayan katulad ng Birheng Maria.

Maraming taon na aniya ang nakalilipas ng kilalanin at ipalaganap ni Pope Benedict XVI ang debosyon sa Banal na Mukha ni Hesus.

Sa kasalukuyan ay pansamantalang itinalaga at ibinukas para sa mga mananampalataya ang araw ng Biyernes bilang Araw ng Holy Face of Jesus. – Ulat ni Clariza De guzman