46th Founding Anniversary ng Tau Gamma Phi, Ipinagdiwang

Nagsagawa ng parada ang mga Triskelion na naging tradisyon na taun-taon bilang bahagi ng selebrasyon ng pagkakatatag ng Tau Gamma Phi.

Daan-daang Triskelions mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ang nakiisa at sumama sa parada na sinimulan sa Barangay Sumacab sa Cabanatuan City at umikot sa Maharlika Hi-way, Circumferential Road papuntang terminal, tumagos sa Mabini kung saan dumugtong ang mga Triskelions mula sa Wesleyan, NEUST, hanggang pagdating sa Good Samaritan at saka tumulak patungong San Jose City.

Itinatag ang Tau Gamma Phi na isang Fraternity o kapatiran dito sa Pilipinas. Tinatawag ng mga miyembro ang kanilang mga sarili na Triskelions.

Layunin ng Tau  Gamma Phi noong panahon na itinayo ito na magkaroon ng isang kapatiran na malaya sa karahasan, maiwasan ang pagiging elitista, at mapalaganap ang mga prinsipyo para maging bahagi ng pamumuhay ng bawat miyembro.

Isa ang Tau Gamma Phi sa pinakamalaking fraternities sa Pilipinas na may rehistradong miyembro na umaabot sa 800,000 batay sa pinaka huling tala noong taong 2012.

Tinatawag na Tau Gamma Sigma ang counterpart nito na kilala rin bilang Grand Sorority ng Triskelions ‘.- Ulat ni Clariza De Guzman