Phobia, pinaka karaniwang uri ng anxiety disorder

Phobia ang isa sa pinaka karaniwang bagay na nararamdaman ng halos lahat ng tao sa buong mundo. Isang anxiety disorder na hindi lamang tunay na kinatatakutan kundi pinangingilagan din.

Karaniwan man sa lahat ng tao ang phobia may iba’t iba itong lakas ng impact sa taong nakakaramdam nito.

May pagkakaiba ang phobia sa takot lamang. Ang phobia ay ang pinaka karaniwang mental disorder na nararanasan ng isang tao. Ang phobia ay isang uri ng takot na hindi kotrolado ng taong nakakaramdam nito lalo na kung ito ay pinipilit harapin ang kanyang phobia at may ilang hinihimatay dahil sa sobrang takot.

Habang ang takot ay mas madaling kontrolin at mas madaling gawan ng paraan upang makapanagumpay sa takot na nararamdaman nito.

Kung ikaw ay may arachnophobia o  phobia sa gagamba o kaya naman ay takot lamang sa gagamba, ito ang ilang mga senyales kung ikaw ay nakararamdam ng takot o phobia dito

Ang mga may takot lamang sa gagamba ay maaaring mag panic, humiyaw at mag tatakbo sa takot.

Habang ang mga may phobia naman dito ay maaaring maging dahilan upang mahimatay, manigas sa takot at magkaroon ng takot sa mga lugar na sa tingin nya ay may gagamba ang isang taong may phobia.

Ang phobia ay isang mental illness na  ayon sa National Mental Health Association ay maaaring may kinalaman sa genetics o maaaring namamana.

Maaari ding dahilan ang environment o lugar, katulad ng hydrophobia o takot sa tubig  ay kadalasang nararamdaman ng mga taong hindi lumaki malapit sa dalampasigan o nakatira sa kapatagan.

Nadedevelop ang takot sa daga sa mga taong nakatira sa mga lugar kung saan hindi ito madaling makita at ang hindi magandang experience katulad ng pagkalunod ay nagiging dahilan upang maging hydrophobic ang isang tao.

Ang cynophobia o takot sa aso ay maaaring nag simula dahil sa nakaranas ng kagat ng aso ang isang taong nagkaroon nito.

At maaari din naming kahit simpleng palabas sa telebisyon, impormasyon at bagay na nararanasan ng isang tao ang dahilan upang magkaroon nito

Bukas ating tatalakayin ang iba’t ibang klase ng phobia at kung paano ito malulunasan.

Dito lamang sa balitang unang sigaw  Dreadful Phobia.