Bath Salts isa sa pinaka delikadong uri ng ipinagbabawal na gamot.

Kontrobersyal at may delikadong uri ng pagha high. Isang panibagong uri ng droga na kapag nasobrahan ka ay may tama na gagawin kang parang isang zombie o isang  cannibal. Tinatawag na vanilla sky , ivory wave, cloud nine, purple sky , zoom, ocean burst , star dust o  pinaka kilala bilang  Bath Salts.

Ang bath salts ay hindi ang iyong bath salts na na nabibili sa mga tindahan at beauty shops. Ito ay pinangalanang bath salts dahil sa kamukhang itsura nito sa mga bath salts na nabibili sa  mga tindahan at inilalagay din ito sa mga lalagyan ng bath salts upang mas madali itong I-smuggle at ibenta ng walang kahirap hirap . Ang bath salts ay isang panibagong uri ng ipinag babawal na gamot na kumakalat ngayon sa buong mundo. Ang bath salts ay nagsimulang kumalat noong September 7 2011 sa Estados Unidos dahil sa mga illegal na kemikal nito. Ang MDPV o mephedrone at methylone ay nakaka high at nakaka adik na chemical na nasa loob ng Bath Salts. Ang mephedrone ay isang white powder chemical na katulad ng ecstasy at may mas mataas na tsansa ma-overdose ang mga nakaka gamit nito. Ang MDPV naman ay isang hallucinogenic substance  at stimulants. Maaaring singhutin, inumin, I inject o gamitin rectally ang bath salts. Sa loob ng 3 to 5 milligrams lamang kaya na gawing high ang isang tao. Kaya naman madali itong maka overdose dahil sa lakas ng epekto nit marami ang namamatay sa overdose dahil na rin sa mephedrome na nagiging dahilan upang patuloy na taasan ng isang adik ang kanyang consumption sa ipinag babawal na gamot. Umaabot sa halos 8 oras ang tama ng bath salts at ang oral o pag inom sa bath salts ang pinaka mabilis na paraan upang ma high ang iinom nito sa loob lamang ng 1.5 hours o isang oras at kalahati.

Ayon sa drugs.com  sa loob ng 37 adik sa bath salts, 17 dito ang naospital habang isa naman ang kumpirmadong patay. Habang high sa bath salts ikaw ay makakramdam ng mga sumusunod:

Hallucination at delusions

Extreme agitation

Chest pain

Pag nanais na magpakamatay

Pag taas ng presyon

Nakamamatay ng toxicity

Hypertemia

Deliryo

Pagiging bayolente

Pag bula ng bibig

Extreme paranoia

Parkinson type limb twitching

At severe insomnia

Lahat ng ito ay ang  mga epekto ng bath salts kung saan lahat ng ito ay walang mabuting idudulot sa katawan ng tao maging physical man o emosyonal at mental . Dito papasok ang isang nakababahalang balita na gumulat sa buong mundo. Nakilala si Rudy Eugene sa buong mundo dahil sa pag nguya sa muka ng isang pulubi , na kinilalang si Poppo . binaril ito ng mga pulis na rumesponde ng hindi nito itigil ang pag nguya sa mukha ni Poppo.

Ang mala zombie na pag atake nito kay poppo Lahat Ay dahil lamang sa bath salts. Ang bath salt ang isa sa pinaka bago at pinaka delikadong uri ng illegal na droga. Ang regular na pag gamit ng bath salts ay magkakaroon ng permanenteng damage sa iyong katawan.

Ilan na dito ay rapid heart rate, high blood pressure, hyperthermia, irritability, heart attack at higit sa lahat kamatayan hindi lamang sa over dose ng gamot. Ang mga adik sa bath salts ay may tendency din na mag suicide ito ang isa sa pinaka malalang tama ng  bath salts. Gayunpaman dito sa Pilipinas naka bantay na rin  ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa pag pasok ng bath salts sa bansa.

Dahil sa iba’t ibang mga nakapang hihilakbot na balita ng krimen dahil sa bath salts.

Sa ngayon ay hindi pa rin napipigil ang pag laganap ng mga illegal na gamot sa buong mundo. Gayunpaman hindi pa rin tumitigil ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa buong mundo upang masugpo ang pag laganap ng illegal na droga.

Bath salt man o ibang klase ng illegal na droga wala itong mabuting idudulot sa kalusugang physical, mental o emosyonal man ng mga gumagamit nito.

Sa susunod na mga araw paka abangan at tutukan ang Balitang Unang Sigaw Lulong sa Adiksyon Adik sa Droga.