Bangkay ng Kelot, Natagpuang Nakahandusay; Magsasaka, Niratrat ng Riding in Tandem

Talavera-Isang  bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang nakahandusay kamakailan sa tabi ng dike ng NIA sa barangay Bantug Hacienda sa bayan ng Talavera.

May mga tama ng bala ng baril ang katawan ng biktima na may taas na five hanggang five feet and two inches, kayumanggi ang kutis, Mohawk ang gupit ng buhok, at may naka-tatoong “Bad Punks” sa kaliwang balakang.

Narekober ng Talavera PNP sa crime scene ang limang piraso ng basyo ng bala ng kalibre kwarenta’y singko na itinurn-over sa SOCO para sa eksaminasyon.

 

Cuyapo- Dead on arrival sa ospital ang isang magsasaka matapos itong harangin at ratratin ng dalawang hindi nakilalang mga armadong kalalakihan na mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo.

Base sa imbestigasyon ng Cuyapo PNP, bandang alas syete dyes ng umaga noong August 29, 2014 matapos ihatid ng biktimang si Lito Martines y Dacuma, trenta’y tres anyos , isang magsasaka, residente ng barangay San Antonio bayan ng Cuyapo  ang kanyang dalawang anak sa eskwelahan at nagbibyahe lulan ng kanyang motor sa San Antonio-Cacapasan road ng bigla na lamang harangin ng mga suspek at pagbabarilin.

Narekober ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen ang limang piraso ng basyo ng bala ng kalibre kwarenta’y singko.- ulat ni Clariza de Guzman.