2 Bangkay, binalot sa packaging tape; Gusali, niransak

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pinag-sanib na pwersa ng Cabanatuan City PNP at SOCO kaugnay sa kaso ng dalawang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na natagpuan kamakailan sa gilid ng kalsada sa barangay Sumacab Este sa lungsod ng Cabanatuan.

Ang mga biktima ay may mga tama ng bala ng baril sa ulo, tinalian ng nylon cord at G.I wires samantalang ang kanilang mga mukha ay pinaikutan ng packaging tape.

Samantala-  Niransak kamakailan ang RFG building sa barangay Fatima, Cabanatuan City kung saan natangay an gang isang netbook, cosmetics products ng TRICORP lending company, dalawang acoustic guitars ng His Art Gallery, isang bote ng Whisky at hindi pa nasusumang halaga ng pera mula sa Law Office.

Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, nakapasok ang mga hindi nakilalang suspek sa loob ng mga nasabing opisina dahil winasak ng mga ito ang steel grill ng mga bintana. –ulat ni Clariza de Guzman