Milagrosong Birhen ng Our Lady of Manaoag, dumalaw sa Guimba at San Jose City

Dumalaw kamakailan ang milagrosong Birhen ng Manaoag sa Cathedral of St. Joseph sa lungsod ng San Jose Nueva Ecija at nauna nang nagtungo ang nasabing birhen sa St. John Parish sa bayan ng Guimba, bayan ng Licab at Lungsod ng Muñoz.

Ayon kay Dr. Glee Fuellos, Jr. Parish Pastoral Council President of St. John the Evangelist Parish na ito ang kauna-unahang pagkakataon na mangyari  ang pagdalaw ng Birhen ng Manaoag sa  Probinsya ng Nueva Ecija na  pinangasiwaan ng Radio Maria ng Probinsya ng Tarlac upang ipalaganap ang debosyon dito sa probinsya.

Inabangan ng mga mamamayan ang pagdating ng milagrosong birhen sa kanilang bayan kaya naman marami ang nagpunta at nanalangin noong mga araw na yon.

Mapamatanda man o bata ay pumila upang malapitang masilayan ang mahal na Birhen ng Manaoag at mataimtim na dalangin ang kanilang sinasambit sa kanilang mga isipan.

At dahil sa pagiging milagroso ng nasabing birhen ay nakalabas ang panyo ng bawat mga deboto upang ihaplos ito sa katawan ng Mahal na Ina.

 

Ang Our Lady of Manaoag nagmula sa probinsya ng Pangasinan at dinarayo ng mga deboto sa labas at loob ng bansa.

 

Sapagkat ang birhen ay nasabing milagroso, nakakagamot ng may mga sakit at dumidinig ng mga panalangin kaya naman ang mga deboto ay nag papabalik balik upang mag pasalamat.

 

Dahil na din sa nasabing pagbisita ng Birhen ay sinamantala na din ito ng mga nagtitinda ng replika ng Our Lady of Manaoag at iba’t ibang klaseng imahe at mga rosaryo.

 

Samantala, ngayong araw pagkatapos ng misa na gaganapin sa Tarlac ay ihahanda na ang milagrosong birhen upang ibalik sa Pangasinan. – Ulat ni JOYCE FUENTES