BSA Contadores Integridad, tinalo ang BSED Blue Jaguars; Junior Eagles, Grand Slam sa Cheerdance Competition

Tinalo ng BSA Contadores Integridad ang BS Education Blue Jaguars na dalawang beses ng nakamit ang kampeonato sa dalawang magkasunod na taon.

Ngunit ngayong 2014, maswerteng napagtagumpayan sa kauna-unahang pagkakataon ng nasabing koponan mula sa College Department ang Cheerdance Competition.

Isang malinis na routine at malinis na piyesa ang ipinakita ng BSA Contadores.

Ito rin ang gustong mangyari ng kanilang coach at choreographer na si Erwin Medina na malaking sandata nila upang makuha ang titulo.

Lalo pang nabuhay sa kalagitnaan ng bilang ng nasabing koponan ang pagwasiwas ng kulay asul at kahel na watawat.

Samantala, tanggap ng BS Education ang kanilang pagkatalo. Ayon kay Ma. Cristina Ravela, Dean ng Education, tuloy pa rin ang laban sa susunod na taon.

Kasama rin sa pinaupo ng Contadores Integridad ang BSHRM Green Hornets, BSIT Knights, at BSBA Golden Lions.

Samantala, pinatunayan naman ng Grade 9 Students Junior Eagles ang tatlong sunud-sunod na pagkapanalo sa Cheerdance.

Grand Slam ang iginawad sa mga Grade 9 Student Junior Eagles dahil sa tatlong taong sunud-sunod na pagkapanalo sa Cheerdance.

Animo’y parang mga agila ang bagsik ng performance ng Eagles lalo pa ng gamitan ito ng flag dance routine na ginamitan ng kulay itim at dilaw na tela.

Lubos na nagpasalamat ang Team Eagles sa mga sumuporta sa tindi ng hirap na kanilang pinagdaanan.

Dugo’t pawis ang kanilang natamo sa halos ilang linggong ginugol upang makamit muli ang kampeonato.

Kasama sa mga pinataob ng Eagles ang Grade 7 Warriors, Grade 8 Dragons at 4th year Titans na nagkamit ng 1st runner.- Ulat ni Shane Tolentino