Binata, binatuta ng BPAT; gasolinahan, hinoldup

Binatuta umano ng isang miyembro ng BPAT sa Kapitan Pepe ang isang bente tres anyos na lalaki.

Ayon sa Cabanatuan PNP, nagtungo ang tiyahin ni Lee Harvey Linsangan sa istasyon ng pulisya at iniulat ang ginawang pamumukpok ni Christian Feliciano y Cruz sa kanyang pamangkin gamit ang kanyang batuta.

Nagtamo ng mga sugat sa ulo ang biktima na kaagad na dinala sa pagamutan.

Samantala- Hinoldup ng hindi nakilalang suspek ang Sea Oil Gas Station sa barangay Sumacab Norte, Cabanatuan City.

Base sa ulat ng pulisya, alas dyes bente singko ng gabi dumating ang suspek na bigla na lamang nanutok ng baril at nagdeklara ng holdup.

Natangay ng suspek ang Php 6,300.00 na kita ng nasabing gasolinahan sa araw na naganap ang panghoholdup.- Ulat ni Clariza De Guzman