Mga opisyales ng Gen. Natividad, nagsama-sama para sa isang Open Forum kasama si Gov. Oyie Umali

Kumpleto ang 22 kapitan at ilang mga brgy officials kabilang ang ilang coordinators sa pangunguna ni ABC President Sammy Kaberto ng bayan ng Gen. Natividad upang magsagawa ng isang open forum kasama sina Nueva Ecija Gov. Aurellio “Oyie” Umali, 3rd District Congw. Cherry Umali at dating bokal na si Doc. Anthony Umali na ginanap sa Convention Palayan City.

Layunin ng pagpupulong na mabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na maihayag ang kanilang mga ninanais na pagbabago sa kani-kanilang mga brgy.

Isa-isang pinakinggan ng gobernador ang bawat naroon partikular ang mga kapitan na naghain ng kanilang plano upang maging ganap na isang proyekto katuwang ang Provincial Government sa pangunguna at tulong ni Gov. Oyie.

Kagyat naman ang naging tugon  ni Gov. Oyie sa mga pinuno ng brgy. at nagbitiw ng pangako ng tulong na magmumula sa probinsya.

Dagdag pa ng gobernador na walang dapat ikabahala ang mga kapitan hindi lamang ng bayan ng Gen. Natividad kundi maging sa iba pang bayan at lungsod sa buong lalawigan dahil hangga’t kakayanin ng kapitolyo at para sa ikabubuti ng kanyang mga nasasakupan ay laging aagapay ang lokal na pamahalaan para sa mga ito. — Ulat ni MARY JOY PEREZ