Mga kawani ng kapitolyo,nagpasiklaban ng galing sa pagkanta

Nagpasiklaban ang 13 kalahok sa naganap na Singing Contest na bahagi ng pagdiriwang ng Civil Servants Day 2014 na ginanap sa Provincial Capitol sa Lungsod ng Palayan  kamakailan.

Nilahukan ito ng iba’t ibang departamento ng Provincial Government ang Provincial Assessor’s Office, Sports and Youth Development Service Office, Nueva Ecija Convention Center, Provincial Engineering, NETV48 at iba pang mga departamento.

Marami ang dumalo sa pagdiriwang kung saan ang bawat isa ay sabik na madinig ang awit na inihanda ng bawat kalahok.

Bawat kalahok ay may kanya-kanyang taga suporta na talaga namang bigay todo sa pagwagayway ng kanilang mga banners at ang pinakakinaka-abangan ng lahat ang pag-anunsyo ng mga nanalo.

Natanggap ni Jumar Montemayor ng Provincial Treasurer’s Office ang pagiging 2nd runner up.

At syempre hindi nagpatalo ang sariling atin ang isa sa host, news anchor at reporter ng NETV48 na si Shane Tolentino na tumanggap ng pagiging 1st Runner up.

Nasungkit naman ni Mark Allein Tolentino ng Sports and Youth Development Service Office ang pagiging kampeon sa naturang patimpalak.

Pasasalamat naman ang mensahe ni Mark Allein sa naganap na masayang Civil Servants Day.

Samantala, sa parehas na araw ay pinangaralan din ang mga nanalo sa naganap na palaro tulad ng Sipa, Pinoy Henyo, Sack Race at Patintero.

Sa huli ay mensahe ang iniwan ni Governor Aurelio “Oyie” Umali para sa lahat.- Ulat ni Joyce Fuentes