NECSL Basketball: WUP Riders, wagi kontra NEUST Phoenix, 60-58

Matapos ang ilang taong paghihintay, sa wakas nakuha na ng Wesleyan University Philippines Riders ang titulo ng NECSL Season 3 Championship kahapon.

Sa makapigil hiningang Game 3 ng kampeonato, tinalo ng Wesleyan Riders ang NEUST Phoenix scores na 60-58 sa gitna ng libo-libong manonood sa Au Gymnasium.

Abot ang pasasalamat ni Coach Alvin ng Riders sa ipinagkaloob ng Panginoon sa kanila sa pagtupad ng kanilang matagal nang inaasam na titulo.

Matinding depensa ang ipinamalas ng mga manlalaro sa umpisa pa lang ng 1st quarter.

Bawat hawak ng bola, hiyawan ng mga taga suporta ang maririnig sa loob ng himnasyo.

Dikit ang score sa pagtatapos ng 1st quarter na umabot lamang ng 11-12, isang puntos na kalamangan mula sa Phoenix.

Kontrolado na ng Phoenix ang laro sa pagpasok ng 2nd quarter dahil sa pagmintis ng tira ng mga manlalaro ng Riders, dahilang kung bakit lumaki sa 6 na kalamangan ng Phoenix sa score na 25-31.

Pagpasok ng 3rd quarter, sinamantala ni Tadeo ng Riders ang pagkakataon na makapagdunk matapos na ma-steal nito ang bola mula sa tira ni Cacho.

Lalo pang dumagundong ang gymnasium ng dumikit ang iskor sa 40-42 sa natitira nitong oras na 1:49 seconds.

Sa pagtatapos ng 3rd quarter, nabaligtad ang laro. Lamang ng isa ang Riders at humina ang depensa ng Phoenix sa score na 43-42.

Agad na binawi ng Phoenix ang kalamangan ng Riders at tuluy-tuloy na umarangkada sa laban sa 4th quarter.

Sa kalagitnaan ng laro, nagpalitan lamang ng puntos ang mga manlalaro.

Sa last 2 minutes, pabor para sa Wesleyan Riders ang laban sa score na 54-53.

Ngunit pagsapit ng 1:11 seconds, nasa kamay pa rin ng Riders ang dalawang kalamangan nito sa Phoenix, 58-56.

Subalit, sa natitirang 38 seconds, itinabla ni Ferrer ang laban sa 58-58 nang mafoul ito ni Cacho ng Riders.