NECSL Volleyball: NEUST Phoenix, nabawi ang pagiging kampeon sa WUP Riders

Nabawi ng NEUST o Nueva Ecija University of Science and Technology Phoenix ang pagiging kampeon pagdating sa NECSL Women’s Volleyball Season 3 laban sa katunggali nitong koponan ang WUP o Wesleyan University of the Philippines Riders sa naganap na laban kahapon sa Araullo Gymnasium.

Maganda ang ipinakitang laro ng WUP Riders subalit hindi nagpadaig ang NEUST Phoenix at mas pinalakas pa nila ang kanilang depensa.

Aminado ang koponan ng WUP Riders na nagkaproblema sila pagdating sa kanilang mga posisyon at sa pagtanggap ng bola.

Matatandaan noong taong 2012 sa NECSL Season 1 ay nagkampeon ang NEUST Phoenix at pagdating ng Season 2 ay naagaw ito ng WUP Riders at kahapon(September 30), natapos ang laban pagdating ng third set sa score na 21-24 at muling nabawi ng NEUST Phoenix ang kampeonato.

Ayon kay Chito Ramos Coach ng WUP Riders ay kinapos sila  noong laban na iyon dahil na din sa kakulangan ng proper training.

Walang pagsidlan ng tuwa ang NEUST Phoenix sa muling paghirang sa kanila bilang kampeon ngayong NECSL Season 3.

Ayon kay Jenniffer  Amaranto na isa sa susi ng kanilang tagumpay ay ang pagkakaroon ng disiplina ng kanyang team na una niyang itinuturo sa  training.

Naiuwi naman ni Rowena Roldan Jersey number 12 ang pagiging MVP or Most Valuable Player para sa NECSL Season 3. –Ulat ni Joyce Fuentes