Human Immuno Deficiency Virus (HIV): Patuloy na kumakalat sa buong mundo

Ang sakit na kinatatakutan at iniiwasan.

Ang virus na pinaka kontrobersyal at puno ng diskriminasyon

Nakakahawa, nakamamatay at walang lunas

Yan ang Killer Virus

Human immunodeficiency virus o HIV

Ang HIV o Human Immunodeficiency Virus  ang isa sa pinaka kinatatakutan at sa ilan ay pinandidirihang sakit na patuloy na lumalaganap sa buong mundo. Hindi lahat ng may HIV o Human Immunodeficiency Virus ay may aids o Acquired Immuno Deficiency Syndrome.

Nakukuha man ang AIDS sa HIV ay hindi lahat ng taong may HIV ay nadedelop ang sakit  at nagiging AIDS.  Mas advance at mas nakamamatay ang AIDS kaysa sa HIV .

Sa ngayon ayon sa World Health Organization simula ng unang na diskubre ang HIV ay pitumpu’t limang milyong katao na ang kumpirmadong dinapuan ng  HIV. Tatlumpu’t anim na milyong katao dito ang kumpirmadong namatay dahil sa HIV at sa ngayon ay mayroong tatlumpu’t limang milyong tao ang may sakit na HIV  o 0.8 %  ng lahat ng tao sa buong mundo.

Worldwide man ang HIV o AIDS ay ilang mga lugar sa buong mundo lamang ang matinding tinamaan nito. Sa sub-suhara africa 79% ng lahat ng taong may HIV.  Sa buong mundo ay dito matatagpuan o mahigit isa sa bawat dalawampung matatanda ang may sakit na AIDS. Sa kasamaang palad ayon sa Medical News Today Hindi lamang sa mga taong may sapat na gulang maaaring maipasa ang sakit na HIV o AIDS. 52% ng mga infected nito ay mga bata kung saan malaking mga bilang ng mga batang may hiv/ aids ay nakuha ito sa pamagitan ng blood transfusion o pag sasalin ng dugo. Nakuha mula sa mga magulang na positibo sa HIV o AIDS, prostitusyon at child abuse.

Ang isang ina na positibo sa HIV at AIDS ay maipapasa ang sakit sa kanyang sanggol. Naipapasa ito sa pamamagitan ng blood contact at matatagpuan din ang HIV sa breast milk ng isang ina. Ang HIV o AIDS ay kinatatakutan at iniiwasan dahil sa ito ay nakamamatay , walang lunas at madaling naipapasa , pinangingilagan sa buong mundo ang mga taong positibo sa HIV o AIDS.

Pinaniniwalaang sa mga chimpanzee galing Africa ang HIV. Ang pag kain ng laman nito na hindi maayos na nailuto, pag kagat nito sa tao , blood contact at pakikipagtalik sa mga unggoy ang nakikitang mga dahilan upang makuha ito sa mga unggoy.

Taong 1980 unang na diskubre sa West at Central Africa ang HIV simula noon ay kumalat  na ito sa buong mundo. Kapag ang HIV ay nadevelop na at naging aids, dito na pinaka delikado ang dinapuan nito.

Dito na nagsisimulang mabilis na bumagsak ang timbang, Pabalik balik na lagnat, di maipaliwanag na panghihina, pamamaga ng kili-kili at leeg, nagkakaroon ng dhiarrhea na tumatagal ng isang lingo, pamamaga ng bibig  at maseselang parte ng katawan, Penumonia, discoloration ng balat, Memory loss at depression. Nakakatakot man ang sakit na aids, ay mas nakakatakot ang mga sakit na  maaaring makuha ng mga AIDS positive galing sa ibang tao. Dahil sa binibira ng HIV ang immune system na panlaban ng  tao sa iba’t ibang sakit na maari nitong makuha ay nawawalan ng panlaban ang mga aids positive sa mga sakit kaya naman ang mga sakit na simpleng sipon at lagnat ay maaaring mauwi sa pneumonia at lahat ng uri ng sakit ay maaari nang dumapo sa mga AIDS positive na walang ka laban-labang unti-unting papatay sa mga biktima nito.

Hindi ang sakit na HIV o AIDS ang pumapatay sa mga dinadapuan nito kundi ang iba’t ibang sakit na maaari nitong makuha na mabilis na lumalala dahil sa kawalan ng panlaban ng katawan. Walang pinipili ang sakit na HIV o AIDS . Sanggol, bata, matanda at kahit na anong kasarian. Ilang mga sikat na mga personalidad na rin ang umamin na sila ay AIDS positive Ilan na dito ay sina Earvin “magic” Johnson, Freedie mercury at marami pang iba. Kahit ang pilipinas ay hindi ligtas sa AIDS ayon sa mga balita isang pilipino sa bawat isa’t kalahating oras ang dinadapuan ng sakit na HIV. Nakaka alarma at nakakatakot na dami ng kaso na sa loob ng isang araw ay umaabot sa labing anim na pinoy ang mga bagong biktima ng HIV.  Sa kasamaang palad ang sakit na AIDS ay walang lunas at gamot.  Dahil sa pag baba ng immune system ay  nawawalan ng panlaban sa sakit ang mga AIDS positive iba’t ibang karamdaman na kahit may gamot man ay hindi tatalab sa mga may sakit na AIDS kahit sa  lalawigan ng Nueva Ecija , kumpirmado na ang kaso ng AIDS. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pag tuklas ng mga eksperto sa gamot sa sakit na AIDS. Sa ngayon nandito na sa Republika ng Pilipinas at sa Nueva Ecija ang sakit na AIDS sa kadahilanan ng OFW at dali ng pag punta sa ibang mga bansa. Panahon na upang proteksyunan natin ang ating mga sarili sa sakit na ito wag mo nang antayin na ikaw ay maging isang HIV positive pa bago umaksyon sa  balitang unang sigaw Killer virus.