Pastor, manggagamot na, manunulat pa

 

Kamakailan lamang ay napanood natin si Pastor Hiram Grospe Pangilinan, Senior Pastor of Church So Blessed sa naganap na Healing Conference sa Jaen Nueva Ecija subalit maliban sa pagkakabilang niya sa healing ministry ay mahilig din siyang magsulat.

Sa katunayan ay mayroon na siyang limang libro na naisulat na tumatalakay at naglalaman ng iba’t ibang paksa tulad ng Healing is Yours, Handbook on Deliverance, What if God Comes, Game-over at Hula, Multo, Faith Healing atbp.

Dagdag ni Pastor Hiram na sa kanyang aklat na Hula, Multo, Faith Healing atbp ay tinatalakay na ang ilang paniniwalang Pilipino ay taliwas sa sinasabi ng bibliya.

Madalas din na napapanood si Pastor Hiram sa religious program na 700club Asia kung saan tinatalakay din ang tungkol sa kanyang nilikhang mga aklat at tumatalakay ng iba’t ibang paksa.

Ang kanyang apat na libro ay available sa lahat ng Philippine Christian Bookstores,  OMF Literature Bookstores  at ang Hula, Multo, Faith Healing atbp ay available sa lahat ng mga major bookstores.

Samantala, dahil na din sa kanyang kakayahan ay nakapagtungo na din si Pastor Hiram sa iba’t ibang probinsya sa Pilipinas at maging sa labas ng bansa. – Ulat ni Joyce Fuentes