District heads ng pampublikong ospital sa Nueva Ecija, nagpulong

Nagtipon-tipon ang mga district head ng iba’t ibang ospital sa lalawigan ng Nueva Ecija para sa kanilang buwanang pagpupulong na inorganisa ng Provincial Government na ginanap sa E.L.J Memorial Hospital kamakailan.

Ang naganap na pagpupulong ay isang paraan upang malaman ang mga suliranin ng   bawat district hospitals pagdating sa kanilang mga pangangailangan.

Ang pagbibigay ng magandang serbisyo para sa kapakanang pangkalusugan ng mamamayan ay isa sa tinututukan ng ama ng ating lalawigan Governor Aurelio “Oyie” Umali.

Kaya naman ayon kay Doctor Benjie Lopez Head of Nueva Ecija Provincial Health Office na halos karamihan ng ating ospital ay malaki na ang pinagbago pagdating sa mga istraktura at mga serbisyo.

Dagdag ni Doc. Benjie na pagdating sa kagamitang pang-ospital ay masusi din nila itong tinututukan.

Lahat ng pangangailangan sa gamot,laboraties at mga training at expertise ng mga doctor ay pinag-iibayo upang makapagbigay ng magandang serbisyo lalo na sa panahon na kinakailangan.

Samantala, ang programang ligtas tigdas ay patuloy pa din na libreng isinasagawa sa mga pagamutan at mga rural health unit sa pakikipagtulungan ng DOH o Department of Health at sa suporta ng ating Provincial Government. – Ulat ni Joyce Fuentes