WUP Riders at AMA Titans ng women’s volleyball, nagpasiklab sa NECSL Season 3

Pangkampeon ang ipinamalas na galing ng WUP Riders at AMA Titans sa magkahiwalay na laban sa paglalaro ng volleyball ng dalawang koponan sa Day 4 ng Quarter Final Round ng NECSL Season 3 kahapon.

Mahigpitan ang laban ng dalawang koponan na inaasahang makakapasok sa Semi Finals ng NECSL Season 3.

Ang Wesleyan Riders kontra sa NEUST Phoenix, kapwa walang talo noong Elimination Round, ang talagang magkatunggali simula pa lamang nang umpisahan ang nasabing palaro.

Ito ang unang pagkakataon na naglaban ang Riders at Phoenix ngayong taon.

Sa naganap na laban kahapon, gitgitan ang sagupaan ng dalawang koponan.

Umabot ng 5 sets ang laro kung saan sa unang set, pinatikim ng Riders sa Phoenix ang bagsik ng pagiging champion at nakapuntos sa score na 25-14.

Ngunit agad na binawi ng Phoenix ang pagkapanalo sa Game 2 kung saan pinadapa nila ang Riders sa score na 25-7.

Sa Game 3, hindi na pinayagan ng Phoenix na matalo pa sila ng defending champion kaya lalo pang naungusan ang Riders sa score na 25-18.

Sa Game 4, inangkin muli ng Riders ang pagkapanalo na naging dahilan kung bakit nagkaroon pa ng isang set na laban sa score na 25-17.

Lalong tumaas ang tension sa set 5 ng laro. Sa talim ng bawat spike ng mga manlalaro, hindi mapigilan ng mga manonood ang mapahiyaw.

Hinabol ng Riders ang kalamangan ng Phoenix (14-12)hanggang sa umabot ng pagkatabla sa score na 14 sa pamamagitan ng matinding spike at pagblocked galing kay Jersey Number 13 Fajardo ng Riders.

Pinangunahan ng MVP last year na si Fajardo ang pagkapanalo sa dalawang sunod na puntos ng pagblocked at pagspike na hindi nadepensahan ng Phoenix.

Samantala, maganda rin ang ipinakita ng mga manlalaro ng AMA Titans at Lacson Golden Lions.

Kapwa pursigidong makapasok para sa Semi Finals na umabot din ng 5 sets ang laban.

Ngunit bandang huli, napagtagumpayan ito ng AMA Titans sa score na 16-25, 25-12, 25-20, 23-25, 15-13.- Ulat ni Shane Tolentino

 

Women’s Volleyball Standing

Day 4 QFR

 

W                             L

 

WUP Riders                        4                             0

NEUST Phoenix                  3                              1

CRT Blue Fox                      3                             1

AMA Titans                        2                             2

Lacson Golden Lions          0                             4

GJC Generals                     0                             4