Pusher, nakorner ng parak, tigbak; tricycle driver, natagpuang nakabigti

Patay sa tama ng bala ng baril ang isang pusher sa bayan ng Penaranda nang kumasa ito sa mga otoridad.

Dead-on-the-spot ang suspek na kinilalang si Ronaldo Balagtas y Cortez alias Manok, residente ng barangay San Vicente, Gapan City.

Sa ulat ng Penaranda PNP, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na namataang nagtutulak ng droga ang suspek sa barangay Poblacion 2 sa Penaranda.

Nang mapansin ni alyas Manok ang grupo ng mga pulis ay agad itong nagpaputok ng baril at tumakas gamit ang motorsiklo ngunit natumba ito.

Tumakbo ang suspek patungong irigasyon kung saan nakorner siya ng mga otoridad.

Cabanatuan City- Natagpuan na lamang ng kanyang pinsan na nakabigti sa kusina ng kanyang bahay ang isang tricycle driver sa Barangay Sumacab Sur, Cabanatuan City.

Ang biktima na nadiskubreng may mga marka ng saksak sa dibdib ay kinilalang si Darwin Gutierez, trenta’y otso anyos, isang tricycle driver, at residente ng naturang barangay.

Narekober sa lugar ang isang kutsilyo na nasa kustodiya na ng SOCO na inaasahang makatutulong sa isinasagawang imbestigasyon. –Ulat ni Clariza De Guzman