Gov. Oyie Umali at iba pang sangay ng pamahalaang panlalawigan, nakatutok sa pagpasok ng mga bagyo

Sa bawat pagdaan ng bagyo sa Pilipinas, isa ang Nueva Ecija sa talaga namang dinadaanan ng mga malalakas na bagyo katulad na lamang ng Bagyong Ondoy, at Bagyong Quiel.

 

Noong Oktubre ng nakaraang taon, isang bagyong talaga namang nanalasa sa ating lalawigan at ito ang Bagyong Santi.

Sa pagdaan ng iba’t ibang bagyo, naging mabilis at patuloy  ag paghahanda ng PDRRMC upang maagapan ang mga napipintong sakuna tuwing may mga kalamidad sa bansa.

Sa pagpasok ng Bagyong Mario, agad na nagpatawag ng meeting ang ama ng lalawigan Governor Aurelio Matias Umali upang mapag-usapan ang iba’t ibang  mga kalagayan ng iba’t ibang  munisipalidad at lungsod.

Itinaas ang red warning signal na pinakamataas na alert level ng PAGASA.

Sa kabutihang palad  ay walang naging biktima ang habagat at Bagyong Mario sa lalawigan ng Nueva Ecija. Patuloy pa rin ang pagbabantay ng ama ng lalawigan at PDRRMC upang masigurado ang  kaligtasan ng mga mamamayan ng Nueva Ecija.- Ulat ni Amber Salazar