Wesleyan Riders, nagulat sa lakas ng CRT Blue Fox

Dikitan ang sagupaan sa pagitan ng Wesleyan Riders at CRT Blue Fox kahapon sa pag-uumpisa ng laban sa Quarter Final Round Women’s Volleyball ng NECSL Season 3 sa AU Gymnasium.

Sa 1st set ng laban, pinahirapan ng Blue Fox ang defending champion na naging daan sa pagkapanalo nito sa score na 25-23.

Ngunit hindi naman pumayag ang Riders na masungkit ng Blue Fox ang pagkanalo kaya agad itong bumawi sa mga sumunod na set sa score na 26-24, 25-23, 29-27.

Ayon sa kanilang Coach na si Chito Ramos, sadyang malakas ang kanilang kalaban at mablis kumilos.

Sa lahat ng set, makikita ang hirap na tinamo ng team Wesleyan sa kalaban na animo’y sila pa ang humahabol sa score nito.

Bagamat kinapos lang ng ilang puntos sa lahat ng set ang Blue Fox sa Riders, handa pa rin itong makipagbakbakan at patuloy sa kanilang misyon na makasama sa Finals.

Mataas ang pressure ng Riders dahil sa matitindi ang kanilang makakalaban at mahihirapan ang kanilang koponan na madepensahan ang kanilang pagiging defending champion ngayong taon.- Ulat ni Shane Tolentino