Malunggay, pangunahing sangkap sa “MOG malunggadog”

Pangkaraniwang gulay lamang kung ituring ng marami noon sa atin ang malunggay. Ngunit ngayon, unit-unti nang sumisikat ito bilang isang milagrosong puno at pagkaing mayaman sa mga bitamina at mineral.

Kinikilala  ngayon ng mga scientist at health care workers sa buong mundo bilang“MEDICINE CABINET NG KALIKASAN,” ang malunggay, sa maraming bansa naman ay tinawag itong “MIRACLE TREE”  at nito lamang kasalukuyang taon, naisabatas na ito bilang “National Vegetable” o pambansang gulay nating mga Pinoy.

Mula sa masusing pag-aaral ay ganap na napatunayang mabisang tulong at lunas laban sa maraming karamdaman. Kabilang sa familia ng Moringaceae, at karaniwang matatagpuan sa lahat ng tropikong bansa.

Taglay nito ang ilang likas na sangkap gaya ng vitamina, enzymes, amino acids, fats, minerals, phytochemicals (plant-derived), at may kani-kaniyang kahalagahan sa iba’t ibang aplikasyon sa lunas at nutrisyon.

Kaya marami rin sa atin ang nagnanais mabigyan ng “MILAGRO SA BUHAY” ng tinaguriang “MILAGROSONG PUNO”, ang MALUNGGAY.

Alam nyo ba na ang isang kutsarang dinurog na malunggay o malunggay powder ay maihahalintulad sa tatlo hanggang apat na basong gatas? Patunay lang ito na napakalaki ng pakinabang natin dito.

Isa na nga ang tindahang ito na naniniwala sa taglay na bitamina at mineral ng malunggay.

Ang MOG Malunggadog Health Food Products na matatagpuan sa bayan ng Bongabon, Nueva Ecija. Sari-saring meat products na pawang may mga sangkap na malunggay ang tinda nila dito.

Bagaman bago pa kung maituturing ang MOG, unti-unti na rin itong nakikilala sa buong lalawigan na sa katunayan ay umiikot na ang kanilang multicab sa lungsod ng Cabanatuan at inaasahang makapagbubukas din sa Palayan City at San Jose.

Ang MOG, ang tinaguriang kauna-unahang tindahan ng meat products na may malunggay powder sa buong lalawigan maging sa buong bansa.

Sa paggawa nga daw ng tocino, langgonisa  at iba pa partikular ang hotdog, ay nangangailanagn ng masusing pag-iingat at exact measurements  ng mga sangkap nito  upang mapanatili ang sarap at kalidad ng produkto. Ilan sa mga best sellers ng MOG ang kanilang siomai na binalutan ng pechay at mustasa, at malunggadog with green pepper and onion na ito.

Samantala, bukas ang MOG Malunggadog Health Food Products sa mga nagnanais maging dealer at gustong mag-franchise.- Ulat ni Mary Joy Perez