Kauna-unahang Healing Conference sa bayan Jaen, dinayo

 

Dinayo kamakailan ng mamamayan ng Jaen, Nueva Ecija at ng ilang kalapit lugar nito ang isinagawang  kauna-unahang Healing Conference sa kanilang bayan na idinaos sa Jaen Municipality Gymnasium at inorganisa ng United Methodist Church, kung saan sabik na sabik ang lahat na masaksihan at personal na maranasan  ang  himala ng Panginoon.

Ayon kay Hiram Grospe Pangilinan, Senior Pastor of Church so Blessed na nadiskubre niya ang kanyang kakayahan sa tulong na din ng pag-aaral ng banal na bibliya.

Dagdag ni Pastor Hiram ang layunin ng aktibidad na ito ay upang paigtingin at palalimin ang pananampalataya ng bawat isa sa ating Panginoon na handang tumulong kahit anung oras at kahit anung panahon.

Kakaiba ang Healing Session na ito kung ihahalintulad sa iba, sapagkat hindi mismo si Pastor Hiram ang manggagamot sa mga taong maysakit, kundi nagpares-pares ang mga ito at salitan nilang pinagdasal ang isa’t-isa sa ngalan ni Jesus upang alisin ang anumang sakit na kanilang nararamdaman.

Magkahalong emosyon naman ang makikita sa bawat isa katapos ng healing session may naluha sa sobrang saya sapagkat sa isang iglap ay naibsan ang sakit ng kanilang dinadala.

Isa na nga rito si Reden Dela Cruz na nagsasabi na pagkatapos ng ginawang panalangin sa kanya ng kanyang kapareha na si Pastor Glenn ay guminhawa ang katawan niya at muli niyang naigalaw ang kanyang mga daliri pagkatapos nitong  dumanas ng aneurysm kamakailan.

Nagpapatunay din si Lilibeth Fajardo sa maginhawang resulta ng ginawang panalangin sa kanya.

Naiyak naman si Marineth Victorio na nanalangin para lumiit at nawa ay tuluyang mawala ang bukol sa leeg ni Lilibeth sapagkat nasaksihan niya mismo ang milagro ng Panginoon.

Pinagpala naman ang masasabi ni Pastor Romel Franco United Methodist Church District Superintendent ng South East Nueva Ecija District sa naganap na Healing Conference.

Ito lamang ay isang patunay na walang imposible sa ating Panginoon sa mga taong nagtataglay ng matibay na pananampalataya.- Ulat ni Joyce Fuentes