Isang milyong pirma, ang kampanya sa pagsuporta sa Grassroots Participatory Budgeting

Inilunsad kamakailan ang kumperensya ng mga Batayang Sector ng Gitnang Luzon, kung saan nagtipon-tipon  ang humigit kumulang 150 mga  kinatawan ng iba’t ibang sektor at asosasyon  upang kumalap ng  isang milyong pirma upang paigtingin at patuloy na suportahan  ang GPB o Grassroots Participatory Budgeting  na ginanap sa Siera Madre Suites Conference Hall, Palayan City, Nueva Ecija.

Ayon kay Marco Polo C. Ferrer, National Secretary ng Kilos Mamamayan na ang layunin ng kampanya sa isang milyong pirma ay upang magtuloy-tuloy, maisabatas at maging permanente ang GPB pagkatapos ng administrasyon ni Pangulong Aquino.

Ang GPB ay isang proseso kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay nagiging kasangkot sa  budgeting process na sila mismo sa kanilang samahan sa pamamagitang ng mga CSO o Civil Society Organization   ang magbabalangkas ng mga programa  at nagkakaroon ng pakikipag ugnayan sa mga Local at National Government Agencies upang makabuo ng isang Budget Planning Team.

At bilang kinatawan ni Governor Aurelio “Oyie” Umali ay nagbigay ng mensahe si Provincial Administrator Atty. Alejandro Abesamis kaugnay sa usaping GPB.

Samantala, kasabay noong araw na yun ang Awarding of Checks for GPB Projects na pinangunahan ni Abraham Pascua Provincial DILG Director  para sa Probinsya ng Nueva Ecija na mayroong  kabuuang halagang  Php. 32,598,478.00 mula sa mga piling labing pitong bayan sa District 1,District 2 at District 3 na dumaan sa tamang batayan at proseso ay magiging benepisyaryo ng nasabing programa ay una na dito na mabigyan ng tseke ang mga sumusunod na bayan:

Carangglan-3.9 M

Licab-4.75 M

Talugtog-4.7 M

Sto. Domingo-3.4 M

Cuyapo-8 M

General Natividad-3.15

Lupao-4.5 M

—— Ulat ni Joyce Fuentes