Daan-daang residente sa Nueva Ecija, inilikas ng lokal na pamahaalan

Inilikas ng LGU’s o Local Government Units ang daan-daang residente sa ilang bayan at lungsod sa lalawigan ng Nueva Ecija noong linggo Sept. 14 dahil sa pagtaas ng tubig epekto ni bagyong Luis.

Ayon kay DILG Director at co-chairman ng PDRRMC Abraham Pascua, kabilang sa mga bayan at lungsod na ito ang bayan ng Talavera, Laur, at Gapan City.

Sinabi rin ni Pascua na kasalukuyan nang kumikilos ang Provincial Government upang maipaabot ang tulong nito sa lahat ng mga nasalanta sa buong probinysa tulad ng pamamahagi ng mga relief goods.

Sa ngayon, hindi pa makumpirma ng PDRRMC ang total damage sa buong probinsya ng nagdaang bagyo.

Ngunit nakalabas na umano ang mga tauhan ng Provincial Agricultural Office at patuloy sa pagkalap ng impormasyon at pag assest sa kabuuang pinsala ni bagyong Luis at tinitingnan pa umano ng mga ito kung naapektuhan ang mga produktong agrikultura.

Nilinaw rin ni Pascua ang sitwasyon ng Pantabangan Dum at sinabi nito na nasa 190.55 meters pa lang ang elevation ng Pantabangan Dum at malayo pa umano sa 219 meters na comfortable level nito.

Dagdag pa ni Pascua na may ilang daanan at kalsada ang dahil na rin sa bahagyang pagtaas ng tubig at pinasalang hatid ng bagyo kabilang ang bahagi ng Cuyapo-Pangasinan Road, Lupao-Muñoz Road, at Bongabon-Laur Road.

Samantala, bahagya ring napinsala ng bagyong Luis ang ilang brgy. sa Cabanatuan City kabilang ang Brgy. Imelda, Villa Luz, Amihan, Acfa, DS Garcia at ilang mga pananim tulad ng kalamansian na ito sa ilalim ng Vergara high way. –Ulat ni MARY JOY PEREZ