Usec. Conferido, hinamon ang mga PESO Manager na mabigyan ng trabaho ang 2.9 M pilipinong unemployed

Hinamon ni Undersecretary Reydeluz Conferido ng DOLE o Department of Labor and Employment, ang mga PESO Manager na mapababa ang bilang nang 2.9 milyong pilipinong walang trabaho. Ito ang kanyang inihayag sa Regular Meeting and Consultation ng PESO Managers Federation of Central Luzon.

Anya, kailangan mabago ang pag uugali ng mga pilipino pagdating sa trabaho, upang maingat ang kanilang mga sarili.

Sa 2.9 milyong pilipinong unemployed, mahigit sa kalahati ng bilang nito ay mga kabataan na nag eedad 15-35.

Umaabot naman sa 7.3 million ang Under Employed, katulad ng mga magsasakang nagtratrabaho sa bukid.

Habang humigit kumulang naman sa 6-11 M na mga kababayan natin ang nag tratrabaho sa ibang bansa.

Napakarami umanong bakanteng trabaho na mayroon kung susuriin lang ng mga Job Seeker, halimbawa na lang nito ay ang Business Process Outsourcing na mula sa taong ito hanggang sa taong 2016, ay may nagiintay na P420,000 na trabaho.  Sa Seafaring naman ay may 60,000 bakanteng trabaho.

Dagdag pa niya, kadalasan na nagiging problema ay ang di pagkakatugma o ismatch sa pagitan ng mga kumpanya at mga naghahanap ng trabaho.

Kaya naman, paalala ni Cornejo sa mga PESO manager na tukuyin ng mga ito na makapagbigay ng mga pinaka  produktibo at rewarding na mga oportonidad para sa mga walang trabaho.

Hindi lang daw dapat pamahalaan ang kumilos kundi dapat ang bawat isa ay tulungan din ang mga sarili na palawakin ang kanilang kaalaman upang mapaunlad ang kanilang buhay.- Ulat ni Danira Gabriel