Midway Marshall Vs NEDCI Water Buffalos, natigil ang laro sa last 18 seconds ng 4th quarter

Kasalukuyang pinag-aayos ng NECSL Sports Committee ang koponan ng Midway Marshall at Nueva Ecija Doctors Water Buffalos matapos na magkainitan ang dalawang koponan at ipatigil ng committee ang kanilang laro sa last 18 seconds ng 4th quarter noong Biyernes September 5, 2014 sa Game 3 sa ika-sampung araw ng bakbakan ng anim na koponan sa Bracket B ng NECSL Season 3.

Sa simula ng laro, matindi ang depensa at opensa na ipinakita ng Water Buffalos.

Desidido na manalo ang Team NEDCI sa Marshalls upang makapasok sa Quarter Final Round.

Sa 1st quarter, hindi na binitawan ng Water Buffalos ang malaking kalamangan sa Marshalls hanggang sa magtapos ang 2nd quarter ay lumobo pa ang lamang ng Water Buffalos na umabot pa ng dalawamput’t dalawang puntos sa score na 55-33.

Sa pagsimula ng 3rd quarter, patuloy pa rin ang Water Buffalos sa pag-arangkada para hindi na tuluyan pang makahabol ang Marshalls.

Ngunit pagdating ng 4th quarter, gitgitan ang laban hanggang sa bumaba na lang ang pitong kalamangan ng Water Buffalos sa score na 73-80.

Sa last 2 minutes, lalong tumaas ang tensyon sa loob ng gymnasium ng NEDCI.

Subalit patuloy pa ring pinag-aayos at iniimbestigahan ng NECSL Sports Committee ang nangyari noong Biyernes sa pagpapatuloy ng laban para sa Men’s Basketball.

Sa natitirang 25 seconds 77-83, tumira ng 3 point shot si Satumba na may kasamang foul para tawagan ni Referee Allan Trajano si Jersey Number 16 Aquino ng Water Buffalos.

Umapila ang kampo ng NEDCI sa Referee at tuluyang ipinatigil ng Sports Committee ang laban sa last 18 seconds ng 4th quarter sa score na 80-83 dahil sa hindi na magkaunawaan sa naging desisyon ng referee.

Sa tulong ng 3 points ni Jersey number 8, Satumba, nag-alab ang pag-asa ng Marshalls na makamit ang pagkapanalo sa Water Buffalos sa score na 77-80 (midway vs water buffalos).- Ulat ni Shane Tolentino