Mga mag-aaral ng Honorato C. Perez Sr. Memorial Science High School, ipinakita ang kaliksihan sa pagsayaw

Ipinakita ng mga mag-aaral ng Honorato C. Perez, Sr. Memorial Science Highschool ang kaliksihan sa pagsayaw sa kanilang Dancercise para sa Campus Wellness Program 2014 noong Lunes September 8. Pinatunayan ng mga estudyante na hindi lamang sa academics nangunguna ang kanilang eskwelahan kundi pati na rin sa malusog at malakas na pangangatawan.

Hataw sa pagsayaw ang mahigit siyam na raang mag-aaral ng Honorato C. Perez Sr., Memorial Science High School sa kanilang Dancercise na bahagi ng Campus Wellness Program 2014 na isinasagawa ng iba’t- ibang paaralan sa Nueva Ecija.

Ito ay isang uri ng makabagong ehersisyo kung saan ang mga bata ay kinakailangang matutunan upang magkaroon ng physically and mentally fit.

Makikita ang kasiyahan sa mga estudyante katulad na lamang ni Aileen Simeon Grade 8 student na alam ang kahalagahan ng kanilang isinagawang Dancercise.

Ilan ding mga estudyante ng Science High School, nagbigay ng kanilang opinion kung bakit kailangang mag-exercise?

Malaki ang pakinabang na makukuha kung ikaw ay may sapat na oras para makapagbawas ng mga calories sa katawan sa pamamagitan ng ehersisyo para ma-maintain ang body weight.

Ang regular na pag-eehersisyo ay nakakatulong upang lumakas ang resistensya, maglabas ng pamparelaks na hormones sa utak at higit sa lahat mag-eenjoy ka sa ginagawa mo.

Laging tandaan, piliing mabuti ang tamang lifestyle na maaari mong gawin sa pang-araw-araw upang mapanatili ang malusog at masiglang pangangatawan na may taglay at sapat na talino.- Ulat ni Shane Tolentino