Listahan ng 6 na koponan sa Women’s Volleyball, pormal nang inilabas

Sa Bracket A, pasok ang defending champion mula sa koponan ng Wesleyan Riders na may limang panalo at walang talo.

Pumangalawa sa Riders ang AMA Titans na may apat na panalo at isang talo.

Subalit, hindi naman nagpadaig ang unang pagsabak sa laban ng GJC Generals na pumangatlo sa standing sa Bracket A.

Samantala, babawi ang NEUST Phoenix na agawin ang titulo mula sa Riders. Apat na panalo at walang talo ang naitalang score ng Phoenix sa apat na koponan na katunggali nito.

Hindi rin nagpahuli ang CRT Blue Fox sa pagdepensa na isa ring nakapasok sa Quarter Final Round sa score na 3 wins- 1 loss.

Mapapasabak din sa susunod na round ang Lacson Golden Lions na montikan ng malaglag sa Elimintaion Round.

Magaganap ang Quarter Final Round sa ika-16 ng Setyembre araw ng Martes sa ganap na alas otso ng umaga hanggang alas dose i-medya ng hapon na gaganapin sa AU Gymnasium. –Ulat ni Shane Tolentino